Saturday, November 19, 2005

ampanget ng pasok ng sem

hay naku. hindi maganda ang pakiramdam ko sa sem na ito. ampanet lng kasi ng pasok ng sem. 11 units sa crs. 4 na araw ng reg at mga hindi ko naman gustong subjects. puro mga subject na kelangan kasing magbasa ang nakuha ko e. kumusta naman ang artstud2, kas1 at dalawang major na mahilig lang talaga sa readings? buti na lang at mei math2. pero hindi kasing saya dahil parati akong late. simula nung start of classes e late akong dumarating sa math dahil galing pa akong phan. oh well. disappointed pa ako dahil ang gusto ko naman talaga emag-bio na this sem. and so i am anticipating a great summer... class. deym!

ang weird nga e. siguro dahil lang conditioned na ang isip ko na panget ang sem na to kaya panget talaga ang tingin ko dito. paano, nagbabasa naman ako pero hindi pumapasok sa isip ko ung binabasa ko... e duh! sa lahat nga ng subject dapat magbasa. pati pe. although hindi pa nagbibigay ng readings si ma'am, i know i should expect a lot.

hehehe. kaya naman kahapon e nagparty ako. bakit? wala lang. mei psych party kasi sa metrowalk e. pupunta din naman ang mga friends, at mei napilit pa akong ibang friends na pumunta. wooohoooo! ang saya! ndun ung band na nanalo sa musiklaban. ang galing nila pero hindi ko maalala ung pangalan ng band dahil ang haba... ang hirap i-encod sa memory. andun din ang giniling festival and we enjoyed their performance. wooohoooo. ang galing talaga. pero best pa rin ang main act... IMAGO! yey! enjoy.

kaso lang. ang iniisip ko ngayon...
anu naman kaya ang mangyayari sa monday? diba pag mei super saya mo e bumabawi din ang panahon. syet. i should be prepared!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home