Wednesday, October 12, 2005

sembreak na!

woohooo... sembreak na nga. at lately, i went back in time to see how i had been. kumusta naman ang disappointments?! aba... nga pla ginawa ko yun sa pamamagitan ng pagbabasa ng previous posts ko at i feel it is reliable, watchatink? masayang alalahanin ang masasayang araw ng kasabawan ng posts ko... parang walang utak na involved sa pagsusulat ko *na-feel ko un habang binabasa ko sila, i bet you'll feel the same pag ginawa niyo to... subjective to ok?* eh di lalo na ngayon, ang dating sabaw... tubig na lang ngayon... wala nang lasa (nalalasahan ba ang mga post?) walang sustansya ang post na tungkol lang sa ginawa ko buong araw... although masarap maalala ang mga nagawa na, hindi ba't mas masarap balikan ang mga iniisip kahit hindi nagawa at muling maramdaman ang dating damdamin na kahit di kagandahan e nakakapagpaalala sa buhay at kung gaano kahirap ang magkaroon nito... eniwwei, sana lang mabalikan ko ang dating ako na walang kasing sabaw. miss ko na rin naman ang ganoong pagsulat, pagsiwalat, pagpapahayag... sa buong mundo... ng lahat ng nasa isip ko.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home