ang gumamela sa braso ko at moon and stars sa likod ko
delayed na naman ang pagpopost ko. aba! napapagod ang tao, at napagod ako nun kaya ngeon lang. nung sabado pa kasi eto... bilasa na pero masay pa rin...
birthday ni nikka hao... isang perky orgmate. ginanap ito sa katips mga 8 na nagstart pero ang nasa invitation e 730. bohemian ang theme kaya, tulad nga ng sabi ni marize, loser ang hindi magskirt... hindi ako loser... naka long white skirt ako... yellow top na may gold sequeens, dangling earrings c/o april--friend ng ate ko, at chempre, chinelas. at least, kasi lahat ng tao dun nag-effort mag-dress up pati guys.
st proud ako dahil isa ako sa pinakamaagang dumating. ung ibang up friends kasi pumunta na don ng 630 dahil paranoid sa parking. oh wel, mga de koche kasi.
tapos mei cool na souvenir sa partyng eto dahil glitter tatoo na after 5days pa bago matanggal. kaya naman kelangang pakinabangan ang pagiging maaga. isa kami (marize, erin, justin at aj) sa pinakaunang nagkaron nito. woohoo... pink,silver at tangerine na gumamela ang pinalagay ko sa lower arm ko.
ang adik lang kasi habang kumakain at kabado na ang mga taong magsasalita para sa treasures/message, namely marize, alex, aj at art, e kampante lang ako dahil di naman ako sinabihan. tapos nung UP friends na e pina-enumerate ni marize sa host ang chronological order ng mga magsasalita dahil super paranoid na sila... kumusta naman e kasama pala ako... ang adik pa nito, share lang naman kami ni alex sa gift dahil mahirap ang panahon. eon tuloy sabay kami ni alex sa stage. wala akong prepared na speech o, panu ba naman sunod na si alex dun sa nagsasalita nung tinanong ni marize... oh wel, talk about impromptu speech.
pagtapos nun, kain ulit. tapos e party... total party, complete with band at dancefloor. inuman na! nakakalahating beer lang ako dahil *excuse myk ha* meron ako at baka tagusan ako... kaya nagdecide kami ni alex na share na lang kami dahil ayaw niyang makarami ng inom dahil mei exam pa cia bukas (econ kasi... balak na niyang magshift... iwan na niya ako... sad) kaya eon hati kami sa isang boteng san mg light... dapat kasi un tag1 bote kami kaso isa lang ung bukas na bote dun sa bar tas wala ung waiter... ang sama ko nga dahil mei tao dun na napagkamalan kong waiter e bisita pala cia... galit na cia saken. eon share na lang... tas inaya ako ni alex magsayaw dahil halos lahat ng psychsoc nasa dancefloor na. e ayaw ko. sabi ko di ako marunong, chaka di ako iiwan ni jolens at ng kanyang papang si iko... tas pinilit nia sina jolens na sumayaw, gago naman sina iko at jolens, pumunta na ng dancefloor... sabi ni alex, "sabi ko seo bibiguin ka nina jolens e" ... oh wel, di ako nagpapapilit lang, kaya di pa rin ako sumayaw... cia, sumama kina erin, art at nikka na sumayaw. mga adik. tas sabi niya after, dapat pala lasingin ka muna para mapilit ka no... sori di ako nalalasing. hehehe.
bago umuwe, dumaan ulit kami dun sa glitter tattoo artist at nagpalagay ulit ng bago. pinalagyan ko ng moon and stars ang shoulder blade ko. hehehe. astig kami.
kumusta naman cia na mei exam? nauna pa akong umuwi sa kanya... sabi nga niya sa akin kinabukasan nung tinanong ko cia bout the exam "i chose not to delay gratification, i should face the consequences..." oh wel, kawawa naman. kapatid ko to o...
hai. hanggang ngayon andito pa rin ang mga kumikinang na souvenir ni nikka hao... kala nga ng mga tao di ako naliligo para dito... duh!
dahil sa magagandang disenyo, gusto kong magpa-henna one of these days.
2 Comments:
The Web Is For Quickies And Paper Is For Long Term Commitment?
Jeremy Wagstaff has weighed in on the ongoing debate about what newspapers should do to survive in an online world, and has decided that newspapers need to treat the online world and the paper world ...
Now that's some good blogging! Can't wait to read more. I'll be back for another dose.
I have a drive pen site. My site covers drive pen related stuff. It's a pretty cool site with a bunch of drive pen examples.
I hope you enjoy!
6:47 AM
magju-judo kayong tatlo? nakaka-inggit naman... ito ba yung tf1-2? mei clas ata ako nun e... major pa. oh wel.
7:16 PM
Post a Comment
<< Home