Saturday, August 27, 2005

kunwari naman august 19 nagyon...

happy birthday Gec-gec, happy bithday Gec-gec, happy bithday, happy birthday, HAPPY BIRTHDAY GEC-GEC! *kanta po ito*
masaya pa rin ako... di lang dahil birthday ng mahal kong si Gec. eto kwento
kahit walang pasok ngayon e pumunta pa rin ako ng UP para sa isang meeting ng fincom... to my dismay, sarado ang AS (sa tambayan ang meeting place) at wala pa dun ung mga ka-meeting ko, considering na late na ako ng 3-5 mins sa call time. buti na lang at di masyadong matagal ang inantay ko bago dumating ang isang taong pamilyar... ung head ng fincom. pinilit niyang pumasok kami ng AS kahit sarado dahil nandun ung mga iso-sort na stuff para sa rummage sale bukas. buti na lang at walang guard that time kaya tuloy-tuloy lang kami. mei dalawa pang taong dumating pero di makapasok dahil andun na ung guard. tapos pinapaalis na kami ni kitchie nung dumadaang guard dahil bawal daw... si kitch na bahala dun. tapos nung wala nang iso-sort, lumabas na kami... pinakain naman kami ni tin (isa sa dalawang taong dumating pero di nakapasok) ng food na ginawa nila ni april para sa buddy date nila. sarap. dami kong kinain. pagtapos, napagdesisyunan naming apat na maaga pa kaya dadaan muna kami sa condo ni tin para manood ng THE CLASSIC. ang ganda sobra! sabi nga namin ni alex "ito ung tipo ng pelikula na hindi mae-enjoy kapag may boyfriend na". mula ngayon, eto na ang all time favorite kong movie (pero all time fave character ko pa rin si willy wonka). tas ang fave char ko dito e si tae-soo. panoorin niyo! ang ganda! kwentuhan tayo pag napanood niyo na! fave scene ang sang-min act sa ulan... ayoko na ngang magdala ng payong ngayon dahil dun pero di pede... aun...
tapos, dito matutulog si alex ngayon dahil wala daw siyang tutulugan para makapunta sa rummage sale bukas. pinainom nga siya ni ate kaye ng ginawa niyang "shandy". ang saya. late na kami natulog dahil kwentuhan pa.
o di ba? nakapag-celebrate pa rin ako ng birthday ni gec kahit malayo siya. masaya! ^_^

0 Comments:

Post a Comment

<< Home