kunwari august 18 ngayon...
isang araw bago ang kaarawan ng mahal kong si Gec...
hindi ko talaga malilimot ang araw na ito. panu ba naman... last week *flashback*
...asar na asar ako sa geog exam ko dahil di ko natapos *tanga* kaya naman nagsulat ako sa mga extra yellow papers ko tungkol sa sama ng loob ko. at dahil na rin siguro sa pagod that day, nagsulat na rin ako tungkol sa mga gusto ko sana... eto yun
gusto kong malaman ng mga tao: naghahanap ako ng taong mag-aaksaya ng panahon at lakas (wholesome to). gusto kong libutin ang UP nang naglalakad (paguran ito) kasama ang isang tao (isa lang kasi mao-op ako pag dalawa na sila) na magkukwento sa akin tungkol sa buhay, at makikinig sa kadiliman at kalalimang nilalaman ng puso't isipan ko, na mga bagay ring ayaw marinig ng karamihan ng tao... (cut na jan dahil yan lang ang importante)
*end of flashback* thursday ngayon at bukas ay walang pasok. ang saya nito kasi nag-cancel ung 2 kong last clas today. commercial muna... dumaan c someone sa nook at mei hinahanap, tas bago siya umalis e sabi niya "nga pala, nakita kitang nagjo-jogging *smile*" sobrang na-bother lang ako at di un dahil crush ko siya dahil di na... he's just a guy-bestfriend prospect... ayoko lang na may nakakakita sa akin sa mga instances tulad ng running clas ko na hindi ako mukang tao... going back to my story. dahil nga wala akong clas, tinanong ko si Alex (orgmate-blockmate) kung gusto ba niyang maglakad-lakad... wala na rin naman daw siyang clas so pumayag siya. eto pa masaya, sinamahan niya akong pumasok sa college na gustung-gusto ko pero di ko pa napupuntahan, ang MUSIC! ang saya, mei astig na guy na nagda-drums sa floor, mei group na orchestra level kahit puro strings lang, mei astig na group of girls na ethnic instruments ang trip, mei naririnig kaming vocals pero di namin mahanap, at best of all ay ang close encounter sa isang guy na cutie para sa akin dahil super galing mag-flute... feel na feel pa nung tumutugtog. gusto ko din matuto tumugtog ng kakaibang instrument. eon, tapos naglibot pa kami ni Alex... first time kong malaman kung san exactly ang ChoKiss. dinala ko siya sa Heartbreak kung san kami parati tumatakbo. at dahil halos dalawang oval un, napagod kami at nagutom kaya nag-isaw kami sa may kalay, at dahil sa sobrang anghang ng sawsawan nag-gulaman sa may sc, parehas kaming nakadalawa ^_^. ang saya ko. siya ang tumupad sa pangarap ko for the week. hehehe. sabi namin dalawa e uulitin namin un. kapatid ko talaga ung si Alex, ang saya namin pareho e.
in the end, mei hang over pa ako ng ----trip (hindi ko alam kung anung klase e) namin ni alex. ^_^
0 Comments:
Post a Comment
<< Home