Wednesday, August 03, 2005

ang wierd ko pala...

kaninang umaga, papasok na ako ng skul... parehas na ruta pa rin, de riles kasi ako. sakay ng trike, baba sa hi-way, tawid sa overpass, sakay ng jeep na papuntang cubao, baba sa petron, lakad papuntang sakayan ng katipunan... wait. tingin sa semento at i-chek ang ichura? kasama ba talaga un? shet! araw-araw ko palang ginagawa un... kahit saan pa... papuntang skul o pauwi ng bahay! mirror ba ang shadow? sapat na bang tignana ang anino para masabing presentable na ako? hayop. ang jologs ko pala. isipin mo na lang, nag-aayos ako ng buhok habang naglalakad at nakatingin sa semento. ummm... baliw? malayo sa katipunan ang mandaluyong di ba? hehehe. gaga ko talaga.

eniwei, ang saya ko dahil nakanood ako ng sine... at record breaking ito dahil premier(?) ng charlie and the chocolate factory tapos napanood ko na at sa sine mismo ha! wooohooo! di tulad ng spongebob movie na mas maaga pa sa screening date nung mapanood ko salamat sa mga kaibigan kong pirata. hehehe. at eto pa. first time ko kaninang pumunta ng sm north (iha, taga-UP ka ba talaga?) at ang isang blockmate na de koche na first time din pumunta don, at isa pang blockmate ang nagdala sa akin doon at sumama sa aking manood ng sine. ang saya talaga! tapos kami lang ata ang tao sa sinehan... woohooo!

tapos nag-GA kami kanina... ako ang nag-update sa committee namin dahil ako ang head sa upcoming event ng libecom--ang sportsfest... na gaganapin sa sabado... na araw ng field trip sa geog. kumusta naman ako? head pa ang nawala sa event di ba? pasaway! gaga lang the whole day... ngayon, pagod na at marami pa ring kelangan gawin.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home