Tuesday, August 16, 2005

ang field trip sa geog1

pagod kung pagod ang field trip na ito. kasama ko ang isang orgmate, si Andrew. siya lang ang ka-close ko doon kaya kahit di ko siya kaklase e tabi kami sa bus at siya ang ultimate kasama ko. cuddly naman si Drew kaya masaya. pero tulog lang naman ang ginawa ko sa bus e. palagay ko ang seatmate ko ay ganun lang din ang ginawa. tapos dahil late na kami umalis at maulan pa ng sobra dahil bagyo pa nung pumunta kami sa taal,tagytay e direcho na kami agad sa philvlocs. pero bago ang kwentong philvolcs, eto funny, ang daming times na tumigil ung bus namin dahil ang pasaway ng mga lalake, parating nasi-cr. hehehe. sabi nga nung isang girl na malapit (physically) sa akin, "ang daya ng mga lalake, dapat tumigl di para mak-cr naman ang mga girls". hehehe. ayon, kwentong philvolcs na. salita lang ng salita ung mama (guy na matanda ha hindi nanay) doon. kelangan ko nang magbanyo at iisa lang ang banyo doon. ang malupit, may isang guy na clssmate ko ang nais ding gumamit ng banyo pero buti na lang at ladies first. tapos ang laking gulat ko na kasama pala sa field trip ung crush ko nung fopc times pa, at eto for the record, bading siya.
ok next na lang. walang kwenta un e. so eon, kelangan na sumakay ng bangka para makarating sa crater. e may crush ako sa class namin (pero di to level ni m***** ha... para lang mei tinitignan sa boring at nakakapagod na sem na ito) kaso ang layo niya sa amin ni Drew kaya di ko siya naging kagrupo sa bangka. angsay pa naman. sabi namin ni Drew dun kami sa mei dulo sa unahan dahil maganda ang view, e umuulan, kumusta naman? naligo ako ulit. kumusta naman ang extra shirt lang ang dala? ewan kung bakit di ko sinunod ang palno kong magdala ng extra pants at slippers. after ng boat ride ang nakaka-excercise at test ng endurance na trek papunta sa crater. itong trek ay talaga naman. nadulas ako ng paupo level ng dulas. tapos puti pa ang rubbershoes ko. nung naglalakad na, mejo malapit na ako dun sa crush kong classmate. pero kebs. maya na ang kwento bout him. lakad pa... lakad pa... amoy oregano na ata ako at madami na akong nasalong tinik ng mga halaman. ayan na ang crater! hindi pala pedeng maligo... ok lang. naligo na ako sa ulan dahil nakakatamad magpayong. kain. pahinga. ok balik na.
lakad ulit. sabi namin ni Drew dun kami sa may unahan para una kaming makakabalik. e napagod siya. chubby kasi e. hehehe. jox. isa pa rin naman kami sa una pero hindi ultimately una. dahil matagal ang dalawa naming boatmates, chika muna kay manong driver... dun na kami sa likod dahil ayaw na namin mabasa.
pagbalik sa philvolcs, hindi tumigil ung bangka sa dapat niyang tigilan kaya si Drew ay nabasa, ako, nagpabuhat kay manong. senyorita e. hehehe.
lunch time ng mga 3pm dahil snax lang kami dun sa crater, sa isang karinderiang sosyal. andito ulit si crushie. nilibre ako ni Drew ng inumin. hehehe. balik na sa bus.
on d way home, tulog ulit. pero maginaw sobra dahil basang-basa ako kahit ang jacket ko. kaya nung tumigil ung bus sa may starbucks, nagpabili ako kay Drew, dapat lilibre ko siya e binayaran na niya ung kanya, bahala siya. siya lang ang bumaba dahil nga senyorita ako. hehehe. ayon tapos updates ng UP game mula sa isang classmate na tumawag pa sa isang friend para magpakwento. si Drew ay ganun din, tinawagan ang girlfriend na hindi naman taga-UP para magpa-update... abala tong si Drew oo... ayon tas... uwi na dahil sobrang pagod, tulog ulit.

1 Comments:

Blogger AYEN* said...

fao! akala ko ang dame na naka-discover sa blog mo! ang dame na kase comments, puro advertisements lang pala... hmm... crush... pero bading? sayang! pag nagkita tayo ituro mo saken ha! *grins*

teka... baket nde kayo magkasama ni myk nung field triP? nde ba kayo nagkita sa dame ng sumama?

uyst! may lovelife na ba si myk?! yikees! sign na nga yan! hahaha ^-^ e ikaw fao? wala bang nangyari nung field trip? wala ka bang nakita? hmm... *grins*

makikibalita na lang ulit ako next... *grins*

^-^

2:26 AM

 

Post a Comment

<< Home