Tuesday, August 16, 2005

ang crush ko for the sake of having one...

astig to kasi ang alam ko mei girlfriend na siya at yun ang dahilan kung bakit ko siya crush. ang pinaghihinalaan kong gf niya ay clasmate din namin at nandun din sa field trip. pero hindi yon ang astig. eto...
hindi sila sabay pumapasok sa clas. palaging nauuna ung babae at tumatabi siya sa mga kaibigan niya. ung guy, wala siyang kaibigan sa clas kaya usually e alone, pero dahil marunong humirit e nakakita din ng mga katropa. pero pag may time sila na maging together e nagtatabi naman sila pero hindi pda. tabi lang talaga sila. tas pagtapos ng clas e nauunang umalis ung lalake.
ning field trip hindi sila tabi sa bus dahil katabi pa rin nung girl ang friends, ung guy ay may sariling mundo. sa boat ride, di sila boatmates. di rin sila sabay sa trek. pero sa madudulas na parte, hinintay nung guy ung girl para alalayan. from there on sabay na sila. tas, such an entertaining guy talaga, dun sa crater e nagkaron ng challenge. paramihan ng talbog ng bato na magagawa. nakalima atang talbog ang batong binato niya (ay, redundant...) tas nung kainan na, magkasama ang friends nilang dalawa tas inantay nung guy ung girl bago kumain. adik. super duper sweet sila. astig talaga.
sila naman talaga di ba?
eto pa... nung exam namin, nalaman kong inaantay pala nung guy ung girl sa labas dahil naunang natapos ung guy... i guess ganun talaga sila everyday, antayan... super sweet!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home