nakakapagod na...
una, ang mga gawain. paper works sa school, assignments sa bawat subject, projects na several weeks ahead kung sabihin pero hindi pa rin mapigil sa pagka-cram, activities na sobrang dami hindi ko na maalala kung bakit ako kasali. wala pa nga jan ang obligasyon sa pamilya, kaanak at kaibigan. kumusta naman?
pangalawa, ang paggawa. ung una e pag-iisip pa lang un na dapat ko silang gaawin, eto ay ang mismong paggawa ng mga dapat.
pangatlo, ang pagsunod. mahirap gumawa ng mga bagay pag wala ka pang alam, pero mas mahirap kung alam mong meron kang dapat sundin at merong dapat lampasan. ang sakit sa ulo ng pressure ng ibang tao lalo na ng sarili. hirap lang.
pang-apat, ang mabuhay. siguro nga tama si abril na ang buhay ay isang kaparusahan. at ayaw ko na dahil nga pgod na ako. pinipilit ko naman magtino a. pinipilit kong magpakabait. andami lang sigurong kaakibat ng buhay na hindi ko na kayang dalhin sa balikat ko.
pero hindi naman ako tipo ng pakamatay no. yuck! aantayin ko na lang si papaGod na bilisan ang paglakad ng mga papeles ko doon. sabi ko nga pagod na ako kaya ayoko nang mag-effort. marami nang nasayang na panahon at enerhiyang hindi ko na maalala kung saan ko dinala. mali kasi e... mali.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home