Tuesday, July 12, 2005

memories, nostalgia

nakakapagod ang exam ko sa psych 110 a. naalala ko tuloy ang pagod ng chem. kaya lang walang friends sa 110 na kasing close sa chem. adik lang. lahat ng class ko ganun. walang close friends. sa 150, nandun nga si alex ang layo naman niya, at siguro apektado na naman ako ng pag-iisip kong kapag maraming alam tungkol sa akin e kailangang layuan dahil baka dumami pa ang alam niya. hehehe. wala ng masayang class. miss ko na ang ultimate partnership namin nina jik, karen at myk. hehehe. paramdam naman tayo sa isa't isa kahit paminsan-minsan kasi di naman pinagbabawal ng batas un friends. porke magkakasama kayo jan ha. hehehe. nakakabangag nga talaga ang mga numero. at dahil statistics ang exam ko kanina mukang ito na ang epekto nun. hehehe.
nalulungkot lang dahil kahit nandito na sa pinas ang bespren ko doon na galing canada e hindi pa rin kami nakakapag-usap at nakakapag-bonding. kumusta naman ang friendship?

2 Comments:

Blogger AYEN* said...

omg! bagong blog layout! or matagal na and i just didn't have the time to visit ur site? hay... mishu na din po. lamo ba naaalala lang kita nung mga nakaraang araw. kse ang tagal na talaga naten hinde naguusap. hindi na rin kita nakikita. nakakadalaw ka pa ba sa FC? hindi na rin kse ako nakakadaan dun eh. hay... di bale... we'll make time. hmm.. kelan kaya un? wahaha... pag may event na lang na available tau pareho! *grins*

8:02 AM

 
Blogger AYEN* said...

talaga?! o di masaya ka ngayon... bakasyon siya ngayon jan sa inio. haha... at least dumating na ung matagal mo hinihintay... hmm... pakasaya! pasyal pasyal... enjoy habang hindi pa masyadong busy (compared sa kalagitnaan ng sem kung san dagsaan ang requirements and exams)

amishu na din po! di bale... malapit na tayo magkita ulit! haha...

5:15 AM

 

Post a Comment

<< Home