isang maling posisyon, buong buhay na pagkakamali
hay naku. ang hirap huminga ng tamang hangin. nakaka-ubo ang mausok na kapaligiran pero nahihilo na ako sa malinis na hangin ng kabukiran. hindi ko na alam ang tama at mali, o kung meron ba talaga nun. alam ko namang "i cannot please everybody" kaya nga ang aim ko na lang sa buhay ko ay maging neutral ang feelings ng lahat ng tao about my existence. akala ko madali. hindi pala. kung ang mga taong nagpapakabuti ay maaari pa ring makita bilang masama at ang mga nagpapakasama ay nakikita pa ring mabuti, hindi ko mawarian kung paanong nangyaring ang pupuntahan ng nais ko ay ang pinakamasama. nakalimutan kong ang kabaliktaran ng walang pakiramdam ay mayroon at kasama dito parehong ang mabuti at masama. ang mali kong paniniwala ay dinala ako sa ganitong buhay na hindi na mabago kahit ng sarili ko sa ngayon.
eto na naman ako at naglalalim-laliman. akala ko wala ng iintindi sa akin dahil di nga ako maintindihan. yun pang mga mali ang intindi ang nagpupumilit na kilala na nila ako. iisa pa lang ang nakakita sa dilim ng kalalimang alam ko. pero wala na siya. ewan ko ba kung bakit malapit lang naman siya pero di ko man lang matapik para malaman niyang nasa tabi niya lang ako. para malaman niyang natutuwa ako at naiintindihan niya. malayo na nga siguro siya at isang ilusyon na ako ang may gawa ang nakikita ko ngayon.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home