Sunday, June 26, 2005

antagal nang patay...

ilang libong taon na mula nung huli akong mag-post dito? kung maiksi lang ang panahon na yon, ung libong taon bago ako nagpost nung huli kong ipi-nost? malabo ba? at least alam kong normal pa ako.
kamatayan na naman ang konsepto ko. wala lang. bigla lang sumulpot sa nasasabaw kong utak ang isang hibla ng ideya. at kamatayan pa. wala na talaga akong pag-asa.
kanina, minumulto akong muli ng kahapon. kahit ang paglapit lamang nito sa akin ay nagdulot ng malamig na pakiramdam sa aking balat at dilim na pumuno sa ulo kong halos wala nang laman. hayup. hindi ako makalingon. baka kasi makita ko ang nanlilisik na mga mata ng kahapon na sa akin nakatuon ang tingin. nakakatakot.
pero ang kakaiba, alam ko namang ang kahapong iyon ay walang iba kundi ako pa rin. kung maaari ko lang sanang puksain ang kahapong sarili ko rin ang may gawa... hindi ko na kailangang mabuahay ngayon. hindi na ang akong ito ang nabubuhay ngayon.
siguro ang kahapon ko ang isang tunay na nakakatakot na kahapon dahil mukhang wala na akong magagawa para patigilin siya sa pagmumulto sa akin. liban na lang siguro kung pareho na kaming multo... morbid ang drama ko?
di bale, malapit na akong mabuhay at sumaya. malapit na talaga.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home