Monday, May 23, 2005

isang magandang araw

isang salu-salong matagal nang inaasam. salamat naman at natupad na. kahit na hindi kumpletos recados, ika nga ng tatay ko. pwede pa rin namang pag tiyagaan. pwede pa ring isiping masaya. hindi ko sinisisi ang nagplano at gumawa ng paraan para magkatotoo ang pangarap na ito, ang katunayan nga ay humahanga ako sa kanila dahil lahat ay gagawin nila magkatipon lamang. gayunpaman, meron talagang mga pasaway. matigas ang ulo at laging magulo. engrande sana kung hindi lang. pero tapos na naman at wala nang magagawa ang mga nagkamali para mabura ang pagkakamali. ang pagtatama ng isang pagkakamali ay may hangganan ang oras. hanggang nangyayari ang okasyong kinabibilangan ng kamalian ay maaari pa itong baguhin at itama. pero kapag natapos na iyon, wala nang ibang pagkakataon para itama iyon, ang maaari na lang gawin ay takpan ito ng kabutihang gagawin sa kasalukuyan at hinaharap.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home