Saturday, April 09, 2005

hindi ako malungkot, naalala ko lang.

ikaw na nagsabi sa akin "alam mo pag umiyak ka, magagalit ako sa mundo. ano pang sakit ang kaya niyang ibigay para paluhain ka?"
hay. nung oras na sinabi mo iyan sa akin, tuwang-tuwa ako. mahalaga pala ako sa iyo. at ganito kahalaga. dahil sa iyo pinilit kong maging matatag. ikaw ang nagpaalala sa akin na kaya ko. pero mukhang nagkamali ka.
mali ang taong pinili mong paniwalaan. kulang ang lakas ko para ipagpatuloy ang ganitong laro. buti na lang wala ka. hindi mo nasaksihan ang pagguho ng mundo ko. hindi mo rin nalaman ang di ko pagtupad sa pangako ko. dapat kasi pinakinggan mo ako nung sabihin ko sa iyong darating ang araw na matatabunan ang kalaliman ko at magiging tulad na ako ng iba. pero ang pagtanggi mo sa araw na iyon ang nagpapaniwala sa akin sa sarili ko. buti na lang at hindi mo alam.
asan ka na ba ngayon? antagal na nating hindi nagkita. kumusta ka na kaya? nakita mo na ba ang hinahanap mo? sana... para sumaya ka naman. kahit sa iba...

1 Comments:

Blogger AYEN* said...

at syempre... sino siya? kaw ha... hmmm... napapadalas ata ang ganitong klase ng blog ah... anyway...

ay! may pooh na rin ako na nabili ung tulad nung nasa phone ko! haha.. kya lang beaver ata ung sayo o badger? not sure eh pero animal sia... yan... may kasama pa ulit na isa si tagpi! hehehe... o diba, bubuo talaga sila ng barkada. get together na lang sila nina won next sem.. ahahaha *grins*

8:29 PM

 

Post a Comment

<< Home