Tuesday, April 26, 2005

hay, ang summer... ang INIT!!!!

kumusta daw ang summer ko? gumigising ako ng 5am dahil sabay kami ng ate ko kung maligo at pumasok. ang ate ko kasi 7am din ang 1st class, tulad ko. kailangan kasi namin magsabay sa tricycle dahil pareho kaming na-gi-guilty pag mag-isa lang sa trike hanggang highway. kaya naman dumarating ako ng maaga sa up... isipin na lang natin na 6am ako umalis ng bahay e kapag regular sem at 8 ang class ko (meaning sumasabay ako sa mga humahabol sa rush hour) e 30 mins. lang ang papuntang up. kumusta naman ang mga toki jeep na nagsisimula pa lang atang pumasada ng 6:45. lakad ang beauty ko. paano pa kaya katulad kanina na hinatid ako ng tatay ko? ako ata ang nagbukas ng math building. hayop! pero okay lang dahil at least gising na gising ako pag nagtuturo ang prof kong mabilis magsalita. hehehe.
eto pa. ang effort talaga ng may org. pero masaya pa rin. kumusta naman ang fopc? ang init ng tambayan sa vinzon's. buti na lang 2nd floor ang tambayan namin kaya bawas effort na rin sa pag-akyat. hehehe. kaya rin hanggang 11 ako sa up kahit 935 ang tapos ng klase ko. ang malupit pa mei mga ga ang fopc na 3pm pa. hayop! tambay everywhere na ito! kinita ko na si cathe para sabay kaming mag-lunch, nabulok na ako sa nook. ay naku!
kumusta naman ang plano kong mag-aral mag-drive? pede pang ipagpaliban un! at ang plano kong ayusin itong pinakamamahal kong blog... ipagpaliban na rin. kelangan magpakabibo sa math 100 at fopc.
*** masaya ako ngayon... hehehe, myk, akala ko math 100 din ang archi? mali ba ako? hehehe. nakita ko si miguel at sabi niya nagsa-summer daw siya ng math 53... gusto nating hulaan kung anung course niya? hehehe. ansaya ko. namamansin pa din siya. nice guy!;)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home